Philstar: Heart Evangelista, inspirasyon ni Dennis Trillo ngayon

12:34 AM Dec 9th 2009 from web under ,

Dennis natsa-challenge sa kasosyalan ni Heart
By Nitz Miralles – Dec 9, 2009

Late si Dennis Trillo sa presscon ng SRO Cinemaserye presents Exchange Gift, hindi dahil na-trapik siya o nakalimutan ang presscon. Na-late ang actor dahil nagti-taping ng Bubble Gang at nang matapos, saka tumuloy sa presscon.

Ang nabanggit na shows ay dalawa lang sa limang shows ni Dennis sa GMA 7 at ngumiti lang ito nang biruin ng press na mabuti’t walang nag rerek lamo na ibang talent ng network sa rami ng kanyang shows. Nasa SOP, Darna, at StarStruck din siya, kaya Sunday to Friday siya napapanood at Saturday lang ang pahinga.

Hindi napapagod si Dennis sa rami ng trabaho dahil nag-i-enjoy siya na iba’t iba ang ginagawa at sa Exchange Gift na magsisimula na sa Huwebes.

Saka, inspirasyon niya si Heart Evangelista al though hindi pa niya ito nililigawan. Masaya ang pag sasama nila sa Mano Po 6 at sa Pasko, isa ang aktres sa mga reregaluhan ni Dennis.

Inamin ng actor na natsa-challenge siya sa pagi ging sosyal ni Heart at dapat special ang kanyang Christmas gift.

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.